Malapit na naman ang eleksyon. Ilang buwan na lamang ang bibilangin at eto na naman tayo sa panahon ng pangangako nga mga tatakbo sa mga tao. Dito masusubukan kung sinong pulitiko ang may pinakamabulaklak na dila. At sigurado, kung sino ang pinakamagaling mambola, siya ang panalo. Ika nga sa larong pambata “maiba, taya!”.
Wala ba kayong napapansin? Sa tuwing may mga trahedya saka naglalabasan ang mga gustong tumakbo, nagpaoasikat at nagpapalakas sa mga tao para makuha ang loob at sila ang iboto.
Gayundin naman, sinamantala ito ng mga ambisyosong pulitiko, patuloy ang kanilang paglapit sa mga tao para magkunwari at magbigay ng pangakong magpapaasa. Kalakip ng pagbibigay ng kanilang mga pangako ang dalawang lata ng sardinas at dalawang kilong bigas na may nakadikit na pangalan nila.
Siyempre, ang kawawang mamamayan ay maniniwala sapagkat sa tingin nila ay sapat na ang mabusog ang kanilang tiyan. Ngunit hindi doon nagtatapos ang kuwento, kapag ang pulitikong ito ay naupo na sa puwesto, mangyayari na ang tinatawag nyang “resbak”.
Dito mangyayari ang paniningil sa mga ginastos niya sa pinambili niya ng dalawang lata ng sardinas at dalawang kilong bigas. At sigurado, tatlong doble ang balik nito sa kanila. At sino na naman ang kawawa pagdating sa huli? Ang ating bayan. Kawawang si Juan.
Kung tutuusin, kayang-kaya ng bansa natin ang pumantay at lumebel sa ibang naglalakihang bansa dito sa mundo. Pero dahil sa makasariling hangarin ng mga namumuno, nawawala ang ambisyon ng pagpapaunlad at unti-unting nalulupog at napipilay ang bayan ni Juan.
Malapit na ang 2016 eleksyon.
Ang mga pulitiko ay namimili ng kanilang tutulungan mga lugar. Kung san mas malaki ang populasyon ng tao,yun ang kanilang tutulungan dahil alam nilang malaki ang bilang ng taong boboto sa kanila doon. Mabuti pa ang mga organisasyon na kaugnay ng simbahan, patuloy ang pagbibigay ng tulong. Walang pinipiling lebel ng mamamayan basta ikaw ay apektado.
Samantalang ang mga pulitiko, naroon at patuloy na nakikipagsiksikan sa mataong lugar na hindi man lang naapektuhan ng kalamidad. At dahil nga naroroon ang karamihan ng mga botante, ang tulong na nararapat para sa mga naapektuhan ng trahedya ay doon na rin dinadala. Kung iyong iaanalisa, tingnan maigi ang listahan ng mga kandidato o nominado, karamihan ay yung mga tinatawag na traditional politician, ang iba naman ay kilala ng kurakot, may iba naman na yung mga napilitan lang kumandidato dahil sa udyok ng kapwa pulitiko , kakaunti na lang ang tunay na bukas ang loob para tulungan ang ating bansa.
Sino pang iboboto mo? Ang trapo, ang corrupt, o ang puppet?
Halina at ako ay inyong samahan.
Pumili tayo ng tunay na tapat sa serbisyo
Saturday, October 17, 2015

Subscribe to:
Post Comments (Atom)

Tama yan!
ReplyDeletePiliin natin ang karapat dapat na mamuno sa ating bansa.
ReplyDeleteMagaling magaling
ReplyDeletethis is so a+mazing
ReplyDeletePiliin ang karapatdapat huwag magpadala sa mga pambobola nila
ReplyDeleteTama piliin ang karapat dapat!
ReplyDeleteTama,
ReplyDeleteTama tama
ReplyDeleteAgree ako dyan
ReplyDeleteAgree ako dyan
ReplyDeleteAgeee
ReplyDeleteTama,
ReplyDeleteTama.
ReplyDelete